KC From Paris To Pinas


   I'm a fan of Ms. KC Concepcion. Hindi naman ako yung tipong fannie-fan girl na humahabol sa kanya kung saan man sya magpunta, o kaya nanonood ng lahat ng pelikula at konsyerto nya. Ako'y isang hamak na SIMPLENG TAGAHANGA lamang :) 


   Today, April 7,2011, KC turns 26. At dahil wala naman akong regalo sa kanya, pwede na siguro ang blog entry na ito ay ide-dedicate sa kanya. Haha! 

   Nung 2007(pagkatapos nyang grumaduate sa AUP - American University of Paris), gumawa siya ng isang TV Special sa ABS-CBN tungkol sa naging buhay nya sa Paris sa loob ng apat na taon na pamamalagi nya doon. 

   Eh ako, maliban sa ako ay kanyang tagahanga, "obssessed" din ako sa Paris (Tignan nyo nga itong blog na ito, J'AIME PARIS 'ka nya! Haha!)... 

   Tandang-tanda ko pa nun, September 23, Linggo iyon ipinalabas, 10:30 ng gabi sa Sunday's Best (at kinabukasan, September 24 ay ipinalabas naman ang Lastikman ni Vhong Navarro sa Primetime Bida...) OHA! :D 

   Nung una, kasama ko pa ang ate kong nanonood. Sabi ko sa isip ko: "Matulog ka na, para mag-isa nalang ako. Hindi ako maka-emote kapag may kasama!" Haha! At alam ko naman hindi sya masyadong nagpupuyat, kaya ilang minuto lang ay umakyat na siya't humimbing. Sinarado ko na rin ang ilaw, para kung sakali mang may dumaan-daan, hindi nila makikita kung ako ma'y lumuluha na. Hahaha! 

   Aminadong naka-relate ako, dahil naranasan ko na ring mamuhay ng malayo sa pamilya nung nag-aaral pa ako sa isang bulubunduking siyudad ('Wag nang pangalanan ang lugar.....AWTS!). Kinailangan ko pa ngang tumayo habang nanonood dahil hindi na kinaya ng emosyon ko... hindi na ako makahinga (Sounds OA, but that's true). At aaminin ko na rin, lumuha talaga ako sa kadahilanang relate na relate ako. 

   Bago pa man ako uli um-emote ng bongga dito (CHOZ!), hinanap ko talaga ang mga videos na ito para sa inyo na hindi nakapanood ng tv special nia ito...at para na rin sa mga nakanood na pero gusto uling mapanood ang kwento nya at makita ang ganda ng Pareeh :) 
      

   20 days after, October 13, Sabado, bandang alas-kwatro ng hapon, ay nagkaroon ito ng replay. Aaminin ko uli, kahit napanood ko na ito, hindi ko pa rin napigilan ang aking emosyon at napaluha sa pangalawang pagkakataong napanood ko ang TV Special na ito..... RELATE GALORE ANG LOLA NYO! :D 


*Videos are from Youtube account iluvkooki... MERCI BEAUCOUP! :) 

No comments:

Post a Comment

Hi! Thanks for dropping by. Leave your comment here. Put your blog as well so that I can visit them too. - JUSTINE x