Good Samaritan

   Meron pa bang ganun??? 


   Yung pinsan ko, namroblema kanina kung paano nya pagkakasyahin ang PhP100 na binigay ng kanyang ina. Eh samantalang pamasahe palang ay kulang na kulang na yun (2 sakayang tricycle, 2 sakayang jeep at 2 sakayang bus)... Abonado pa sya ng ilang piso. Haha! 


   Ipilit nya pa kasing air-conditioned bus ang sakyan nya (ARTE!), sabi ko mag-ordinary nalang para makamura sya.....ayaw pa rin. Arte talaga! 


   Sabi ko pa, "Umalis ka na ngayon para maaga kang makarating. Ilakad mo nalang yung kahit isang isasakay mo. Malay mo, makapulot ka pa ng 500 pesos sa daan! *tawa*"... AYAW NYA PA RIN! Haaaaay... 


   Ang sinabi ko nalang, "Hayaan mo, meron at merong kang makakasalubong na Good Samaritan dyan, ililibre ka ng pamasahe."... 


   Pagkatapos ng mga apat na oras, pumunta sa bahay... 
ang sabi nya: " JUUUUUZ! (that's me, obviously :D) TAMA NGA SINABI MO. *bulong* MAY NANGLIBRE SA AKIN NG PAMASAHE!"
Napangiti ako ng todo. (Napa-isip: "May sense pala sinabi ko! :D")... 
Ako: "Oh, magkano natira?" 
Pinsan: "55! *sabay apir sa akin*" 
Abah! Ang laki ng natira sa kanya huh! Ang sabi pa nya eh dalawang beses pa syang nalibre. Oh di ba? BONGGA! :)) 


   Ang pagiging "good samaritan" ay hindi lang naman sa pagtulong sa pamamagitan ng pera. Ito ay ang pagtulong sa kapwa, maliit man o malaki, ng taos sa puso't walang inaasahan na kapalit.  


   Ikaw, isa ka bang GOOD SAMARITAN? 



No comments:

Post a Comment

Hi! Thanks for dropping by. Leave your comment here. Put your blog as well so that I can visit them too. - JUSTINE x