Dahil PhP311 million ang pwedeng mapanalunan sa lotto ngayon..... nagbigay ang Talakan (ng DZMM ) ng mga tips kung paano at saan makakakuha ng mga numerong pwedeng itaya sa lotto "maliban sa birthdays at anniversaries".
Eto tips nila... Try nyo!
#1
--->Magising ng alas 4 (Hindi 3:59. Hindi 4:01. Eksaktong 4AM!). Bilangin ang tilaok ng manok mula alas kwatro hanggang alas sais ng umaga.
Oh ayan, may unang numero ka na! :)
#2
---> Kapag alas 9 na, pumunta ka sa ikawalong kanto mula sa bahay nyo. Ang una mong makikitang tao na nakasuot ng dilaw na sumbrero, tanungin mo kung ilan silang magkakapatid. At i-add ang bilang ninyong magkakapatid.
#3
---> Bago magsaing, bilangin ang butil ng bigas sa isang tasa, bilangin ang tasa ng tubig na ilalagay mo sa isasaing at ang bilang ng maisusubo mong kanin sa isinaing mo. I-add ang mga ito at hanapin ang square root!
#4
---> Manood ng talkshow. Bilangin kung ilang beses sasabihin ng guest ang "Aaaahhhmmm..."
#5
---> Magsuklay ng 100 times. Bilangin ang mga nalaglag na strands ng iyong buhok. Basagin ang pinggan ng ginamit mo kanina. Kung ilan ang mapupulot mong basag na piraso ng pinggan, ibawas yun sa strands ng buhok na napulot mo.
At ang # 6
---> Dun mismo sa Lotto outlet ka maghanap ng ika-anim na digit na iyong tatayaan. Pumila. Habang nasa pila, bilangin ang mga tao sa iyong harapan. Kung ilan ang nabilang mong tao sa iyong harapan, i-divide 'yon sa size ng iyong paa. (At hindi ko na naintindihan ang kasunod! Haha! Pasensya... :D)
So, yun na!
Sana makahanap na kayo ng 6 digits na maitataya sa lotto!
Goodluck... Sana manalo kayo! :D
PS: Ang mga ito ay resulta lamang ng mga malilikot na pag-iisip ng mga taong walang magawa kundi ang mang-aliw! Hihihi! :D
No comments:
Post a Comment
Hi! Thanks for dropping by. Leave your comment here. Put your blog as well so that I can visit them too. - JUSTINE x