UNTITLED (walang maisip eh :D)



     OH MY GOD!!! Hanggang ngayon, yan pa rin ang mga katagang nasasambit ko sa utak ko! Haha! 
     May nangyari kasi kaninang hindi ko inaasahan. Nakatanggap ako ng isang mensahe mula sa isang taong ( person # 1) hindi ko naman personal na kakilala pero, kilala ko sya. Haha! Labo! :D 
     Ganito kasi yun... ngayong araw na ito, isang taon na ang nakakaraan nang makilala ko ang isang taong (person # 2)  mula pa sa kabilang bahagi ng mundo, pero isa rin syang Pilipino. 
     Mamayang gabi (well,gabi na nga :D) ko pa sana itu-tweet ang aking mga saloobin o nararamdaman sa unang anibersaryo ng aming pagkakakilala (HUWAW! :D)... Kaso, si Person#1 ay nagmensahe kanina. Nang ako'y sumagot, nakatanggap uli ako ng tugon sa kanya. Nung sasagutin ko na uli ang kanyang mensahe sa ikalawang pagkakataon, ako'y napaisip muna "Sasabihin ko kaya? Ilalagay ko kaya ang pangalan ni Person#2?"... Nagbuntong hininga muna ako bago ko pinindot ang "send". At sa kanyang pangalawang tugon, hindi ko nagustuhan ang kanyang mensahe,dahil alam ko ang mga pangyayari isang taon na ang nakakalipas. Ayaw ko na sanang sagutin iyon. Ngunit, hindi pa ako sumasagot, nakatanggap na naman ako ng mensahe mula kay Person#1. AT YUN ANG GUMIMBAL SA AKING MAINIT NA HAPON!!! Hahaha! Kahit na anong gawin ko, kahit nakaka-badtrip ang pangyayari, nakangiti pa rin ako dahil sa mensahe nyang iyon! :)) Naku,nung mabasa ko yung mensahe.....hindi na ako mapakali. Hindi ko na alam gagawin ko! Hahaha! Nakakatawa rin dahil hindi ko talaga inaasahan yun! Nakakabigla! Pagkatapos ng isang taon, saka lang nasabi yun?!!! Hahaha! At isa pa, hindi na ako nakilala ni Person#1... :D 
     Hindi ko alam kung maiintindihan ba itong sinusulat ko ngayon dahil alam kong malabo ang aking pagku-kwento. Hahahahaha! 
     Bahala na kayong umintindi. Basta ako..... MASAYA! :)) 








********** Want a clue? HANAPIN NYO!!! :p









No comments:

Post a Comment

Hi! Thanks for dropping by. Leave your comment here. Put your blog as well so that I can visit them too. - JUSTINE x