REUNION (part 2)



It's been a month simula nung isulat ko ang Reunion Part 1...
At naka-uwi na nga ang mga nag-reunion, ang mag-amang 22 years na hindi nagkita.


Sa unang parte ay aking nailagay na pupunta sila ng HongKong...tama iyon! 
Ngunit nagkulang ako, dahil pagkatapos nilang pumunta ng HK, eh nag-cross country sila, sa Macau. 
Isang linggo silang nasa labas ng bansa. 
Pagkatapos nun ay dumiresto sila sa Butuan, sa Mindanao, kung saan nakatira o ang probinsya ng kasalukuyang asawa ng ama. 
May mga lugar pa dito sa Pilipinas ang pinuntahan ng mag-ama, ngunit iyon ay wala na sa aking kaalaman. 


Maliban sa pagkikita at pagsasama, meron ding mga munting surpresa ang ama sa kanyang anak... may cellphone, laptop at iba pang materyal na bagay (ang mga materyal na bagay na ito ay aakalaing malalaking bagay na... Ngunit kung susumahin ang nawala sa 22 years na hindi sila nagkita, naku... kulang na kulang pa ang mga ito!)... 


Sa ngayon, masayang masaya na ang anak dahil sa matagal na nyang minimithing pagkikita nila ng kanyang ama, na napatagal man ay natupad din. 


Masaya ako sa naging resulta ng pagkikitang ito... 
At sana'y hindi na sila mawalan ng kumonikasyon sa isa't-isa... 


*Sana ganito din ang ibang mga anak na nawalay sa kanilang mga magulang... HINDI NAGTATANIM NG GALIT SA PUSO... 




No comments:

Post a Comment

Hi! Thanks for dropping by. Leave your comment here. Put your blog as well so that I can visit them too. - JUSTINE x