PAALAM... :(


Ngayon ay ang ika-anim na buwan ng ating pagsasama. 
Ako'y natutuwa at nagpapasalamat sa pagtanggap at pagtitiyaga mo sa akin sa loob ng anim na buwan... 

Maraming magagandang sandali ang aking naranasan habang tayo'y magkasama... 
NGUNIT, may mga pagkakataon naman na hindi ko na nagugustuhan ang iyong mga saloobin o hinaing na nagiging sanhi ng pagka-inis ko sa iyo! 

Ako rin nama'y sumasaludo sa iyong pagmamahal sa iyong pamilya... 
Alam kong mahirap ang mamuhay ng mag-isa, lalo na't kung ika'y bata pa lamang at lumaki na malapit sa pamilya... 

Subalit... 
sa kabila ng mga ito, aking napagtanto na hindi ka na karapat-dapat na manatili pa sa aking piling... 
Hindi ko na nakaya ang mga ginawa mo sa akin...MASAKIT! 

Dalangin ko nalang ay magtagumpay ka sa iyong tatahaking landas (magkikita din tayo dyan). 
Alam kong matagal mo nang hinihintay ang pagkakataong yan...ngayon na ang oras. Huwag nang sayangin. 

Maraming salamat sa anim na buwan ng iyong buhay na ibinahagi mo sa akin... 

PAALAM! 

(Itong liham na ito ay para kay ____. Isang lalaking naging bahagi ng aking TWITTERLIFE! Haha!)

No comments:

Post a Comment

Hi! Thanks for dropping by. Leave your comment here. Put your blog as well so that I can visit them too. - JUSTINE x