Nung unang makita ang iyong mukha, 
ako'y natulala't napangaga. 
Bigla mo akong kinausap, 
ngunit 'di nakapagsalita agad. 



Nalaman mo agad ang pangalan ko,
samantalang hindi ko pa alam ang sa iyo. 
Kinikilig ako sa bawat salitang sambit mo. 
Parang tinutunaw ako ng mga mata mo. 


'Di ko na naman alam ang nararamdaman. 
Kuryente'y dumadaloy sa buong katawan. 
Parang ako'y mahihimatay na. 
Tulungan ako, hindi ko na kaya! 


Sa iyong kagwapuhan, wala na akong duda 
Kung bawat babae'y gustong angkinin ka. 
Edad nati'y magkalayo man, 
'Wag kang mag-alala, mahilig ako sa matanda. (:D) 


Magkalayo man tayo sa isa't-isa, 
ramdam ko pa rin ang iyong presensya. 
Pagsagot mo sa aking katanungan,
di man maintindihan, dulot pa ri'y kasiyahan. 


'Di ko na naman alam ang nararamdaman. 
Kuryente'y dumadaloy sa buong katawan. 
Parang ako'y mahihimatay na. 
Tulungan ako, hindi ko na kaya!  




WAAAAAAAAAAH! 
Can't believe I did it in less than 30 minutes! 
Whew! :D 


INLABabo ang bruha!
Hahahaha! :p 






No comments:

Post a Comment

Hi! Thanks for dropping by. Leave your comment here. Put your blog as well so that I can visit them too. - JUSTINE x