After watching a live basketball game - which I haven't done in ages - I realized 3 things:
1. Time flies too fast!
2. I can't get any younger...
1. Time flies too fast!
Parang kailan lang ang liliit pa ng mga players na napanood ko ngayon. Ang mga nilalaro lang nila noon ay ang mga larong pambata. Ngayon, ibang-iba na...bigtime players na! Bonggels!
Hindi ko na pala maibabalik yung mga nasayang na panahon/oras ko. Naalala ko lang, hindi ko nagawa yung mga ganung bagay nung medyo bata bata pa ako (manood ng mga ganung laro, paliga)...kapag intrams lang sa school, supporting our classmates. Hanggang dun lang, wala na. Kaya naisip kong kung ano yung mga balak kong gawin ngayon, gawin ko na ngayon at baka habang tumatagal ang panahon, tumanda na ako, hindi ko na magawa.
3. Let others fill in your shoes.
I mean 'wag magdamot. Kung alam mo nang tapos na ang panahon mo, hayaan mo naman yung ibang mas bata sa iyo ang mag-enjoy ng bongga. I'm not saying you can't enjoy the moment anymore...but act as your age. Girls were going wild earlier. And I felt like an outcast. Then I remember, puro bagets pala mga kasama ko. So, go!!! Haha!