si Luigi...

Marahil hindi lahat ay nakakakilala kay Luigi Revilla, isa sa mga anak ni Senator Bong Revilla. -Oh di ba, gulat kayo! Ngayon nyo lang nalaman noh?! HAHA- Well, ako, this year ko lang din nalamang may ganung Revilla palang nag-eexist . Sa isang magazine ko nakita (sa Yes! mag yata?! ), pati jowawit nya na-feature din dun. Finallow ko silang dalawa nun sa twitter...unfollowed din agad kasi mukhang walang ganang magtweet. Kabagot. Haha! 


PERO...subalit, datapwat...
last week -as in nung isang linggo- ko lang natuklasan na nagshowbiz na pala ang loko! 
Hello naman kasi, sa GMA sya may show! Eh everybody knows I'm a true-blooded kapamilya! :P 


I followed him again. 
Balak ko nga rin sanang ifollow si jowa (private pa naman account nun) 'Wag nalang baka magselos pa sya! Haha!
Sinubukan kong i-mention sya. Hindi ako pinansin. Snob si kuya! Hmp.


Dalawang araw bago mag-Pasko, nakita ko si Luigi na nag-reretweet. So sabi ko Baka ito na ang pagkakataong pansinin nya ako - I used the word pansinin and not mapansin kasi alam kong nababasa nya lahat ng mentions nya, pili lang talaga ang nirereplyan- Hmmm...ano kaya itutweet ko? If I get a reply from you, I'll definitely watch Panday 2 ...kaya?  *tumatawa ng tahimik with bullet sweat* NO!!!!! Pag nireplyan nya ako, kailangan ko talagang panoorin ang Panday! Ayokong baliin yung pangako ko! PERO...hindi ko type panoorin ang Panday. Ewwness! HAHA 


Malakas ang pakiramdam kong makakakuha na ako ng reply o RT galing sa kanya -100% active din ang aking ESP that day... Char!- so I stepped back. 
Pero kailangan ko nang makaisip ng sasabihin ko dahil baka hindi na sya ulit sipagin sa pagsagot! 
Nakaisip ako agad ng may paawa factor tweet. Hahaha! 


Habang tumatawang mag-isa -as usual- dahil sa Panday chorva, ayun, ilang minuto lang..... 


 

Tawa talaga ako ng tawa nung mabasa ko 'to! Syempre may kasamang kilig din... Hello?! Pinasahan din sya ng agimat noh! Ang gwapo kaya!!! :D :D :D :D :D 

Pangalawa lang ito sa apat na kasama sa Twitter Christmas Wishlist ko. 
3 out of 4 lang ang nakuha ko. Yung natitirang isa, pwede pang makahabol sa New Year! Haha. 
Pero kahit tatlo lang, syempre ang laking dulot na kasiyahan na sa akin nito noh! Meron ba kayo nyan?! BELAT! :P Hahaha! 



YUN LANG PO ANG AKING KWENTO...
Salamat sa pagsasayang ng oras sa pagbabasa nito :)


No comments:

Post a Comment

Hi! Thanks for dropping by. Leave your comment here. Put your blog as well so that I can visit them too. - JUSTINE x