Mahal Kow Kayow!

Noon, sa tuwing naririnig ko ang mga dayuhang celebrities na sumasambit ng mga salitang tagalog, may pagtaas ng balahibo akong nararamdaman...iba ang pakiramdam, kinikilig ba! 


Madalas natin silang marinig na sinasabi ang: 
Mabuhay! 
Kamusta?
Salamat! o Maraming salamat!
at ang walang katapusang...  Mahal kita. Mahal ko kayo! *with an accent* 


Ilan sa mga sikat na int'l celebrities na nagsalita na ng tagalog ay sina (click their names if you wanna hear/ see them speaking our mother tongue): 
Taylor Swift , Justin Bieber , at kamakailan lang, ang Hollywood socialite na si Paris Hilton


Pero.....

sa tinagal tagal na ng panahon na laging ganyan ang pambungad na tagalog ng mga dayuhan, eh, hindi na nakakakilabot. Normal nalang. Di ba?
PWEDENG IBA NAMAN????? 


May mga naisip akong salita/ pangungusap na medyo hindi pangkaraniwan sa tenga ng mga Pilipino na galing sa bibig ng mga banyaga: 
- Maganda ang Pilipinas. Siguradong babalik ako dito. 
-Masarap ang pagkain. Pahingi pa nga ng kanin! 
-Maganda ka. Pwede bang tayo na? 
-Ang ganda ng labi mo, pahalik nga ako! 
-Maalindog ako. 


Shux!!! Anong mga pinagsasabi ko?! Haha. 
Wala na akong ibang maisip. 


Basta nakakasawa na ang yung mga sinasambit ng mga dayuhang ito. Wala nang thrill. Echus! 


Para lang kasi yang BONJOUR sa French...karaniwan nalang.  
Mas magandang may alam kang iba, gaya ng Voulez-vous coucher avec moi ce soir? 
(Oooh! Erase! Erase! Erase! Hahaha. Well, kanta naman yan, hindi galing sa akin! :P)







No comments:

Post a Comment

Hi! Thanks for dropping by. Leave your comment here. Put your blog as well so that I can visit them too. - JUSTINE x