N.B.S.B.



What does N.B.S.B. mean? 
Hmmm... 
It means No Boyfriend Since Birth. (Ouch!)
Yan! Yan ang organisasyong kinabibilangan ko "hanggang" ngayon!


Una kong narinig yan nung 3rd year highschool ako.
Pero bago nun, wala pa akong pakialam sa estado ng puso ko (though, of course ang dami kong mga crush).

Simula nung nalaman ko yang tungkol sa N.B.S.B, hindi ko na alam ang gagawin ko:
  • kailangan ko na bang maghanap para hindi ako mapag-iwanan? 
.....o,
  • hintayin ko nalang talaga ang tamang panahon na dumating ang para sa akin?


Apat kaming magkakaibigan sa isang grupo.
Bago matapos ang highschool, tatlo ang myembro ng N.B.S.B. club (at kasama ako dun,syempre).
Ngayong halos lahat kami ay bente anyos na..... AKO NALANG ANG NATIRA!!!
Mga walang hiya! Iniwan nila ako!!! Haha! :D


Hindi ko alam kung ano ba "dapat" ang maramdaman...
  • kung malulungkot ba ako dahil ako nalang ang inexperienced...? 
o...
  • matutuwa dahil alam kong may magandang naka-atang o nakalaan sa akin na tiyak ikaka-inggit ng marami (bwahaha!)...? 
HINDI KO ALAM ANG SAGOT!


Siguro nga'y nagtataka kayo kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong special someone..... aba'y ako rin! Hindi ko rin alam!!! Wahahahaha!
Maraming pagkakataon na "naiisip" kong gusto ko na ring magkaroon...
pero may mga pagkakataon din naman na "nararamdaman" kong "hindi pa ako handa" (charot! :D)...
TOTOO YUN!


May mga kakilala rin naman akong mga ka-kulto (uy,pahiram Ms.K Brosas) sa kultong NBSB na yan.....
  • yung iba pinipiling maging ganun muna ang estado dahil kumplikado (karamihan dahil sa trabaho o/at magulang),
  • yung iba naman eh, tulad ko, OLATS! :(
EWAN BA!!!

Sa ngayon, naghihintay pa rin ako.
At maghihintay pa rin ako gaano man ang itagal nyan.

Sabi nga nila "true love waits"...
Naks! :D


Buh-Bye Friendster!



Hindi ko alam kung may mas nauna pa, pero friendster talaga ang alam kong patok na patok noon na social networking site.Though merong Yahoo! Messenger ( o YM for short na pwede kang makipag-chat) na automatic kang magkakaroon kapag meron kang Yahoo! account, friendster talaga ang alam kong mabentang-mabenta nun, lalo na sa mga kabataan.

Naalala ko pa, nung highschool ako kapag computer subject namin, yung iba kong kaklase yan ang inaatupag- ang pagpre-friendster. Wala akong kaalam-alam nun sa ganyan kasi pa akong account. 

Grumadweyt ako ng highschool, wala pa rin akong friendster. 
Nung bakasyon bago magkolehiyo, kinukumbinse ako ng pinsan kong gumawa ng account, pero hindi sya nagtagumpay! Wahaha! 

Dumating ang araw na gumawa na rin ako ng sarili kong account. Ang dami na kasing meron nun, papahuli ba ako (pero, late na ako nun... Akalain mong 2006 na ako gumawa ng friendster ko. Yun yung taon na ni-launch ang twitter ... Haha!)

Dyan nauso ang mga katagang "i'ts complicated" (status ng iyong puso)... 
Pati ang "testi" na pinaikling salita para sa "testimonials" na kalauna'y naging "comments" (Post Comments) na...

Hanggang naging adik na ako. 
Kung anu anong designs and applications ang ginagawa at pino-post ko sa aking profile. 
Dumating sa point na gumawa ako ng iba't-ibang accounts (may reserbang pangsarili, may pang-artista, may para sa mga classmates ko nung 4th year highschool,  meron para sa mga ka-block ko nung college at meron pang mga iba...)
Nakakaloka ang kaadikan ko, 'di ba?

Last year, habang adik na adik pa rin ako sa friendster, panay ang basa ko sa mga shoutouts ng aking mga friends dun na "I'm more active on facebook" 
o kaya... "I was thinking of deleting this account and move to facebook, pero sayang ang contacts.". 
So na-curious ako, (though matagal ko nang alam at naririnig ang facebook) ano ba ang meron sa facebook na yan at nagsisilipatan sila?!!!
Ma-check nga! 

Gumawa ako ng facebook account. Hindi ko pa alam ang pasikot-sikot. Naka-add ako ng mga 2 friends lang. Nung bubuksan ko na uli sa pangalawang pagkakataon ang FB account ko, ayaw na!!! Anyahreh?!!! 


Eh di bumalik ako sa friendster. 
Napa-isip ako... "ang dami nang umaalis dito at pumupunta sa facebook, samantalang dito sila nag-umpisa. MGA WALANG UTANG NA LOOB!!!
Yan talaga ang naisip ko at nasaktan ako para kay (tao?! :D) Mareng Friendster. :(


Di naglaon, may narinig na naman ako..... twitter
Uy, parang ang ganda sa pandinig nun ah! 
Masubukan nga... 
Gumawa ako ng account... naaliw (dami artista eh!). 
Hindi ko pa naman iniiwan ang friendster. 


Bumalik ako sa facebook... 
Wala pa rin akong kaalam-alam dun, maliban sa "ang pangit ng background na white and blue lang(unlike sa friendster na pwede kang mamili ng mga gusto mong background, themes at kung anu ano pa). 

Nalaman ko na meron palang mga laro sa facebook! 
Dun! Dun ako nag-umpisang mahumaling sa facebook!
Sabay ko pang binubuksan ang account sa FS at FB...
Pero habang tumatagal, nakakalimutan ko nang mag-log-in sa friendster dahil sa aliw na naibibigay sa akin ni Facebook. 


Ngayon ay meron na akong accounts sa iba't ibang social networking sites: 
Facebook (dalawa), Twitter, MySpace (na mas nauna sa FB at twittah na magkaroon ako), youtube (na hanggang ngayon ay wala pa rin akong naipo-post na video ko), plurk at marami pang iba. 


Sa ngayon, bihira ko nang buksan ang aking friendster account. 
Pero... hindi ko pa naman nakakalimutan at wala akong balak na burahin yun. 


Lagi kong naiisip na ang mga uso at sikat na mga social networking sites ngayon ay malalaos din. Dahil darating ang panahon na mas marami at mas magaganda pang mga imbensyon ang magsusulputan at matatabunan din ang mga gaya ng facebook at twitter. 
Gaya nga ng sinasabi ng marami... things just come and go


Buh-bye friendster! 



How Often Do YOU Look Up To See Where Your Blessings Come From?*

Someone has said: 
"An ungrateful man is like a hog under a tree eating apples and never looking up to see where they come from..." 


How often do YOU look up to see where your blessings come from?


Think! 




*This is NOT my original composition...

Pinay Ako

Una sa lahat..... WELCOME TO MY BLOG! Naks, parang eksperto na ah! Haha! Hindi po ako writer (ni minsan hindi ko naisip na maging isang manunulat). Nagta-try lang, baka sakaling may future! Hahaha!

Anywaysss... ano nga ba ang '
PINAY'?
Ang pinay ay ang pinaikling salita sa 'Pilipina' na tagalog ng 'Filipina' na tawag naman sa mga kababaihang nakatira sa Pilipinas. (As if naman hindi nyo alam 'noh! Kung nababasa at naiintindihan nyo 'to, alam nyo syempre ang ibig sabihin ng pinay... NAMAN! )

Pero, ano ba ang gusto kong malaman nyo tungkol sa kabuuan ng salitang pinay...?
Wala lang!!!

Gusto ko lang malaman nyo na proud akong maging isang pinay. Kahit ano pang sabihin nila sa lahi natin, ipinagmamalaki ko pa rin ang pagiging dugong pinay!

Bakit nga pala pinay at hindi pinoy?
Ano ka ba?!!! Natural, babae ako!

Eh, anu-ano naman ba ang mga katangian ng isang pinay (dalagang pilipina)?
-maganda (NAMAN! Walang kokontra!)
-mahinhin (question mark??? Noon, marami. Ngayon, meron pa naman kaya lang mangilan-ngilan nalang.)
-mabait (masyadong malawak ang salitang ito...ano ba ang mas akmang term?)
-matalino (NO DOUBT! Chos!!!)
-malikhain (sa maraming paraan...at maparaan)

Anya pay?!!! (ilokano yan)
Wala na akong maisip.

Basta!
Eto lang ang sasabihin ko: I'M PINAY AND PROUD!

Alam kong mukhang ewan lang 'tong first entry ko sa blog ko (Nakakahiya!)...
Pero sana, kahit konti ay nagustuhan nyo.

Maraming Salamat Po sa pag-uubos ng oras nyong basahin ito.
Maaari po kayong magbigay ng komento, suhestyon at iba pa.

Hanggang sa susunod (sana mas may katuturan na! :D)...

Babush! :)